Discover the City of Falls (Iligan)
                   Pagod ang lahat ng mag-aaral sa Grade 10 - BH Barga (ICNHS-Tambacan) dahil lahat ng gawain ay dapat isubmit sa araw ng deadline. Pagkatapos ng paghihirap ng mga mag-aaral sembreak na.
                 Nang magawa ko at ng aking mga kaklase lahat ng gawain nagpasya ang iilan na magbonding, sinang-ayunan ko iyon at pati na ang iilan sa amin, nagpadesyonan ng mga magkaklase na maliligo iyon yung unang pagkakataon na sasama ako sa mga trip ng mga kaklase ko.
                  Sabado ng umaga bandang 9 nagtipontipon kaming lahat na pupunta sa paligoan, nagkita-kita kaming lahat sa paaralan upang e handa ang mga sarili patungo sa lugar na destinasyon, sumakay kami ng padyak daladala ang iba't ibang baong pagkain limang piso ang bayad bawat isa sa amin mga ilang minuto rin kaming sumakay sa padyak pagkatapos bumaba kami sa isang may eskina na kung saan daanan ng mga sasakyan mayamaya nakita namin ang sasakyan ng Dalipuga na kung saan maghahatid sa amin sa paligoan habang nasa sasakyan na ang lahat iba't ibang emotion ang nakita sa bawat isa yung iba pagiging excited may kinakabahan kasi first time katulad ko habang may naguusap-usap labing tatlong piso ang bayad bawat isa sa amin sa sasakyan. Pagdating sa kinaruonan mga 25 minutos din ang biyahe naging mas excited kasi duon pa namin nalaman ng iilan sa amin na patungo sa lugar na iyon ay may lalakbayin pa palang bundok mas naging handa habang excited, nang magsimulang maglakbay ang lahat unang pagsubok ang maliit na tulay na isa lang na malapad na kahoy ang siyang naging daan habang nasisiyahan ang ilan ang iba naman napapagod na dahil sa mga dalang pagkain at damit ako naman parang wala lang naging mas challenging ito para sa akin kasi first time ko habang nagpapatuloy sa paglalakad nakita namin ang maliit na falls, dun palang naging excited.
                            

Habang nagpapatuloy sa paglalakad umakyat kami sa isang maliit na daan nakung saan daanan patungo sa lugar na iyon habang na akyat na namin iyon duon nakita namin ang agos ng tubig na pinagmumulan ng Pampam Falls na aming pupuntahan habang sinusundan namin ang agos ng tubig kung saan ang pinagmumulan napasubog kami sa isang maliit na parang may bangin na daan na kung saan kapag di ka nag ingat maari kang mahulog na may ka taasan habang nalagpasan namin iyon maraming pawis ang tumulo mula saming mga mukha "Hay nako ang hirap pala dito" yan ang sinabi ko nang malagpasan ang mga iyon dahil habang may ganon may sikat na init ng araw na siyang kumakain sa aming lakas.
               Nang makarating na kami ibang ngiti ang nakitaan sa akin ang ganda ng lugar, ng tubig, at ng lahat ng paligid parang naging isang ignorante ako sa ganoong klaseng lugar habang naging abala ako sa paligid sa katitingin ang mga kasamahan ko ay naghanda na para sa aming makakain dahil bandang 12 na kami nakarating at pagod na pagod pa. Kumain kami habang ang iilan ay hindi makapaghintay maglusaw sa malamig na tubig. Pagkatapos kung kumain hindi kuna pinalagpas ang pagkakataon na maligo sa masarap na agos at malamig na tubig.
                               Image may contain: 1 person, smiling
               Naging masaya ang sembreak ko dahil sa mga pangyayari sa isang araw na kalimutan muna ang problema kasama ang mga kaklase. Habang nagbababad ang lahat sa tubig naglalaro nag kwekwentuhan at iba pa naging masaya ang lahat ni walang problema ang nangyari sa araw na iyon parang nasa isang paraiso ang lahat. Mga 3 oras din kami naligo at nagbabad sa tubig mga bandang 3 narin iyon kaya nagpalit na ang lahat ng damit para ma e handa ang sarili papauwi lahat ng aming nakitang at nadaanang mga lugar nabalikan namin sa pag-uwi namin hindi namin naisip ang hirap kung gaano namin naisip ang hirap patungo roon.
Ang hindi kulang makakalimutan sa lahat nang mga pangyayaring iyon ay ang ganda ng kalikasan na siyang naging sentro ng lahat ang falls na binansagang pampam. Dito ko na debelop ang pagmamahal ko sa kalikasan na ang ganda ng lahat ng gawa ng Dios para sa kanyang mga anak. Maraming lugar(falls) dito sa Iligan na siyang aking kinalakihan ang siyang di ko pa napuntahan ito ang unang pagkakataon na nakaligo ako sa magandang makakalikasang gawa.

Mga Komento